Mga kaanak ng mga bedridden na nais magpabakuna, hinimok na makipag-ugnayan na sa mga barangay para sa maayos na sistema ng mapping out sa house-to-house vaccination

75

Hinihikayat ng Navotas City Health Office ang mga kaanak ng mga bedridden na gustong magpabakuna na makipag-ugnayan na sa kanilang barangay.

Kahapon ay sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang mapping out para sa pagbabahay-bahay sa mga bedridden na gustong magpabakuna ng COVID-19 vaccine.


Paliwanag ni City Health Office Dr. Christian Padolina, mahalaga ang mapping out upang maging maayos ang sistema ng pagpunta sa bahay ng seniors at mga may kapansanan na bedridden.

Mas mapapabilis din ang proseso ng vaccination sa lungsod at inaasahang mas marami ang masasakop ng house-to-house vaccination.

 

Facebook Comments