Mga kaanak ng mga nawawalang sabungero, hindi papayag na mabalewala ang kaso kahit pa nakakaranas ng hirap

Hindi magpapatinag ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero sa kabila ng hirap na kanilang dinaranas sa nagpapatuloy na prelimimary investigation sa kaso.

Ayon kay Ederlyn, kapatid ng isa sa mga sabungerong si Edgar Malaca, kahit maapektuhan ang kanilamg trabaho ay magpapatuloy sila sa pagdalalo sa investigation hanggang sa makamit ang hustisya.

Bukod dito, sinabi naman ni Maria Teresa na asawa ni Nerio Anti Kristo, hangad nila na mapanagot ang mga nasa likod ng krimen kung saan naniniwala pa rin sila sa proseso ng batas.

Kapwa inamin rin ng dalawa na una silang inalok ng higit isang milyong piso para hindi na itulak pa ang kaso.

Pero giit ng dalawa, mas nanaisin nila na makulong ang mastermind at mga kasabwat sa pagkawala ng mahal nila sa buhay kahit pa aminado silang unti-unting nahihirapan.

Facebook Comments