Mga kaanak ng siyam na napatay sa operasyon ng pulis sa Ozamiz City, humingi na ng tulong sa NBI

Manila, Philippines – Dumulog na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kaaanak ng siyam na napatay sa operasyon ng mga pulis sa Ozamiz City.

Ayon sa abogado ng mga nagrereklamo na si Atty. Fernando Hernandez – walang awang pinagbabaril ng mga pulis ang mga napatay.

Sa halip na punerarya ay sa inihilera ang mga ito sa tapat munisipyo sa loob ng 12 oras sa utos ni Ozamiz Chief of Police, Chief Insp. Jovie Espenido.
Magsasampa aniya sila sa Dept. of Justice (DOJ) ng kasong murder laban kay Espenido laban sa mga pulis na sangkot sa operasyon.


Nanindigan naman si Espenido, ginawa lamang ng kanyang mga pulis ang tamang paraan sa isinagawang operasyon.

Kasabay nito, iginiit din ni Espenido na edited ang kumalat na video na nagpapakita ng pananakit niya sa isang drug suspect.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments