Tulala, nanghihina at halos hindi makausap ang mga magulang ng tatlong magkakapatid na menor de edad na nasawi sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Old Magallanes, Tayug, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naiwan sa nakakandadong bahay ang mga bata edad anim, apat at tatlong taong gulang matapos mag-charge ng cellphone ang kanilang tatay sa kapitbahay.
Nang bumalik, tumambad na dito ang nasusunog na bahay.
Agad naman naireport sa awtoridad ang insidente at agad na nirespondehan ngunit bigo nang maisalba nang buhay ang nga bata.
Itinakbo pa sa pagamutan ang magkakapatid ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa suffocation.
Humarap sa IFM News Dagupan ang pamilya ng mga biktima ngunit tumanggi ang itong magbigay ng pahayag dahil sa matapos umani ng negatibong komento ang mga magulang na lubhang nagluluksa dahil sa trahedya.
Nananawagan ang pamilya na burahin at itigil ang pagpapakalat ng mga litrato ng mga bata sa social media bilang proteksyon sa kanilang karapatan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨






