Mga kaanak ng taxi driver na di umanoy hinoldap ni Carl Arnaiz, nanawagan na lumantad na ito

Manila, Philippines – Nanawagan na ang mga kaanak sa bayan ng Aurora, Isabela ng taxi driver na si Tomas Bagcal na lumantad na ito upang mabigyang linaw ang kaso ng pagpatay sa 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz.

Aminado si Nancy Bagcal-Sarmiento na palaisipan para sa kanilang kung nasaan ang kapatid lalo’t hindi na ito matawagan.

Inihayag naman ni barangay chairman Pepito Valenzuela, hihiram sana ng 4,000 pesos ang kanyang pinsan subalit hindi na ito nagparamdam.


Samantala, nagtataka ang National Bureau of Investigation kung bakit iba ang unang sinumpaang salaysay ni Tomas sa pangalawang affidavit na nagdedetalye kung paano umano siya hinoldap ni Arnaiz.

Iba rin ang lagda ng tsuper sa R And E Taxi offices noong araw na hinoldap ito kumpara sa karaniwan nitong lagda.

Facebook Comments