CAUAYAN CITY- Sumailalim sa pagsasanay hinggil sa Bread & Pastry Production at Nail Care Service ang mga kababaihan at out of school youth sa bayan ng Tumauini, probinsya ng Isabela.
Ito ay sa ilalim ng Abot-Alam program ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini kasama ang Tumauini Stand Alone Senior High School.
Layunin ng programa na mabigyang kaalaman ang mga benepisyaryo sa paggawa ng tinapay at pagbibigay ng nail service.
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng pagkakakitaan ang mga benepisyaryo na makakatulong sa kanilang gastusin sa pamilya.
Samantala, ang mga kagamitang ginamit para sa pagsasanay ay ibinigay ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini habang ang pagsasanay ay papangunahan ng Tumauini Stand Alone Senior High School.
Facebook Comments