MGA KABABAIHAN AT MIYEMBRO NG LGBTQ+ COMMUNITY BUMIDA SA BASIC NAILCARE SKILLS TRAINING

Kung angking galing na rin lang ang pag uusapan hindi mahuhuli dyan ang ating mga kababayan mula sa Pangasinan lalot likas sa atin ang pagiging madiskarte at talentado.
Isinagawa kamakailan ang Employability Enhancement Program (EEP) sa bayan ng Sta. Barbara People’s Gymnasium at bayan ng San Manuel. Dinaluhan ng mga kababaihan at miyembro ng LGBTQ+ Community ang Basic Nail Care Skills Training upang mahasa ang kanilang skills pagdating sa pagmamanicure, pagpepedicure na kanilang magagamit din bilang pangkabuhayan.
Ang mga nagsipagtapos sa pagsasanay ay nabigyan ng TESDA Certificates of Completion at livelihood starter kit.

Samantala hangad ng mga kawani ng Probinsya ng Pangasinan na mapakinabangan ng mga dumalo ang kanilang mga natutunan. |ifmnews
Facebook Comments