Mga kababaihan, hinikayat na magkaisa sa pagboto para sa magandang kinabukasan ng bansa

Hinikayat ni Senator Leila de Lima ang mga kababaihan na magkaisa at gamitin ang karapatang bomoto ng tama para mapaganda ang kinabukasan ng bansa.

Mensahe ito ni De Lima sa ginanap na online townhall event for women na pinangunahan ng 1Sambayan coalition.

Ang panawagan ni De Lima ay sa gitna ng malakas na ugong ng posibleng pagkandidato sa pagka-bise bresidente ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 elections.


Tiwala si De Lima, na isang malakas at natural na hindi ang magiging sagot dito ng mga botante, kasama ang mga nagkakaisang kababaihan.

Paliwanag ni De Lima, walang kabutihang idudulot ang pagboto sa partisan at territorial political families na ang tanging layunin ay manatili sa kapangyarihan ang kanilang pamilya kahit wala namang maibibigay sa bayan kundi ang kanilang popularidad.

Payo ni De Lima sa mamamayan, huwag ng muling magpapaloko at magpapalinlang at hindi na dapat muling maniwala sa mga pangako na hanggang ngayon ay hindi natupad o biro lang pala.

Facebook Comments