Ngayong International Women’s Month ay nasa 3,000 mga kababaihan ang nakatanggap ng tig-₱5,000 tulong pinansyal sa Gingoog City, Misamis Oriental.
Ang tulong ay pinangunahan ng tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Partylist Representative Yedda Marie Romualdez sa ilalim ng programang Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay House Deputy Secretary-General Sofonias Gabonada Jr., na siyang kumatawan kay Speaker Romualdez sa event, ang nabanggit na hakbang ay bilang pagpapakita din ng walang kamatayan pagmamahal sa mga nanay.
Sa naturang event ay binigyan naman ng tig-₱3,000 tulong pinansyal at tig-5 kilo ng bigas ang 856 benepisyaryo ng TESDA Training for Work Scholarship sa Gingoog City.
Sabi ni Gabonada, bukod dito ay nakatanggap din ng ₱15,000 hanggang ₱25,000 scholarship mula sa TESDA ang mga nagsipagtapos.