Humirit pa rin sa Women’s Month Celebration ang lokal na pamahalaan ng Sison kung saan nagsagawa sila ng symposium para sa mga kababaihan sa kanilang bayan upang magkaroon ng dagdag na kaalaman at kamalayan sa kanilang Karapatan at proteksyon.
Nais na iparating ng lokal na pamahalaan ang kasiguraduhan ng mga kababaihan sa kanila na sapat ang kanilang kaalaman para higit na maprotektahan nila ang kanilang sarili, ang kanilang Karapatan at dignidad.
Sa symposium na isinagawa, tinalakay ang REPUBLIC ACT 9262 o isang batas na tumutukoy sa karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, na naglalaan ng mga hakbang sa pagprotekta para sa mga biktima, nagtatalaga ng mga parusa samakatuwid, at iba pang mga layunin.
Tinalakay rin ang ukol sa REPUBLIC ACT 11862 o isang batas na nagpapatibay sa mga patakaran sa anti-trafficking ng mga tao, nagbibigay ng mga parusa para sa mga paglabag nito, at paglalaan ng pondo samakatuwid, pag-amyenda para sa layunin ng Republic Act No. 9208, bilang sinususugan, kung hindi man ay kilala bilang “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003”, at iba pang espesyal na batas.
Dinaluhan naman ito ng mga Punong Barangays, kinatawan mula sa KALIPI at Solo Parent, VAWC Des Officer, mga Day Care Workers, at mga Barangay Kagawad na may kaugnayan sa pangangalaga sa kapakanan ng kababaihan at kabataan. |ifmnews
Facebook Comments