Maaari pa ring makapasok sa Pilipinas ang mga kababayan nating manggagaling sa mga bansa na nasa red list alert dahil sa Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval, sa pamamagitan ito ng repatriation flights na pangangasiwaan ng gobyerno, pribadong sektor o ng bayanihan initiative.
Maaari nila itong gawin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Philippine embassy o consulate upang maalalayan sila at makapag-book ng special flight pabalik.
Ang mga bansang kabilang sa nasa Red List ay ang:
South Africa
Botswana
Namibia
Zimbabwe
Lesotho
Eswatini
Mozambique
Austria
Czech Republic
Hungary
Netherlands
Switzerland
Belgium
Italy
Facebook Comments