Sa layuning makamit ang drug-free community, dinala sa mga paaralan sa Ilocos Region ang mga aktibidad na may kaugnayan sa Drug Prevention and Control.
Kinilala din ang mga kabataan bilang tagapagtaguyod ng kinabukasan dahilan upang palakasin ang kanilang depensa laban sa mapanganib na epekto ng ipinagbabawal na kontrabando.
Nakilahok sa malawakang aktibidad ang walong institusyon sa kalusugan, edukasyon at drug enforcement sa rehiyon upang sanib-pwersang mapataas ang koordinasyon sa pagpapatupad ng epektibong prevention programs at pakikiisa sa mga komunidad.
Noong Agosto, tinukoy ng PDEA Regional Office 1 na nasa 6.7 porsyento o katumbas ng 219 mula sa kabuuang 3,267 barangay sa rehiyon ang drug-affected.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng mga operasyon at aktibidad upang masugpo ang ilegal na droga sa mga komunidad sa pagpapaigting ng ugnayan sa publiko, partikular sa mga kabataan.









