Mga kabataan at senior citizen sa MGCQ areas, pinapayagan na ng IATF na mamasyal sa mga lugar na binuksan na sa turismo

Pinaluluwagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang age restrictions sa MGCQ areas para sa mga bibiyahe sa bansa upang mamasyal o magsilbing turista sa magagandang lugar sa Pilipinas o mga lugar na binuksan na sa turismo.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kung dati ay bawal mamasyal sa alinmang tourist destinations ang mga kabataang pababa sa 15 years old at mga nakatatanda na lagpas sa 65 years old, ngayon ay maaari na itong luwagan.

Ipinauubaya na ng IATF sa mga Local Government Units (LGUs) ang pagtukoy kung anong edad ang pwedeng payagang makapamasyal na mga kabataan at mga nakatatanda.


Kasunod nito inaatasan ng IATF na mag-isyu ng guidelines hinggil dito ang Department of Tourism (DOT), Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Facebook Comments