Naganap nitong umaga ng Biyernes August 22, 2025 ang Global Youth Summit sa SM Center Dagupan na naglalayong magbigay ng Youth Empowerment sa mga kabataan.
Katuwang ng SM Cares ang Global Peace Foundation sa adhikain na ito na palakasin at iangat ang kaalaman ng mga kabataan sa iba’t ibang aspeto.
Nilahukan ito ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Dagupan at karatig bayan.
Tinalakay sa Global Youth Summit ang tungkol sa Health and Wellness ng mga kabataan sa pangunguna ni Dr. Raki Senin Ogoy.
Kabilang din sa mga inspirational speakers sina Mr. Nicanor Germono Jr. at Mr. Albino Ancheta para sa usaping Quality Education: Isa sa mga major concerns ng mga kabataan dahil ito ang magiging pundasyon ng kanilang magandang hinaharap.
Sa Clean Water Development at entrepreneurship naman sumentro ang mensahe ni Ms. Clarissa Leizel Yalong na nagbigay ideya sa mga kabataan kung paano kumita at magsinop ng pera. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







