Mga kabataan, hinihikayat ng gobyerno na pumasok sa agribusiness

Gagamit na ang pamahalaan ng mga makabagong teknolohiya para sa agriculture sector upang mahikayat ang mga kabataang pumasok sa agribusiness at pagsasaka.

Sa isang panayam sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga ang patuloy ang pagtuklas ng mga bagong ideya at pagkakaroon ng mechanize systems sa pagsasaka upang makahikayat ng mga kabataang pumasok sa agrikultura.

Sa ngayon ayon sa Pangulo ang average age ng mga magsasaka sa Pilipinas ay 56 hanggang 57 taong gulang.


Kinakailangan rin ayon sa Pangulo na maipatupad ang digitalization sa sektor ng pagsasaka o agribusiness upang magkaroon ng full advantage sa ekonomiya gamit ang mga bagong teknolohiya sa pagsasaka.

Facebook Comments