Hinimok ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ang mga kabataan na magparehistro na sa Commission on Elections (COMELEC) upang makaboto sa barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Disyembre.
Sa pagsisimula ng voter registration para sa SK elections, hinikayat ni Manuel ang mga kabataan na i-exercise ang kanilang karapatan at tungkuling makaboto.
Umapela rin ang kongresista sa mga kabataan na tututulan ang posibilidad na pagpapaliban muli sa barangay at SK polls.
Giit ni Manuel, nahirapan ang mga barangay at SK officials na magawa ang kanilang mandato na mapagsilbihan ang kanilang constituents bunsod na rin ng pagkabinbin sa pagtatapos ng termino mula noong 2018.
Kung maitutulak ang halalan sa katapusan ng taon, makatutulong ito para umusbong ang mga bagong lider at mabigyan ng bagong mukha ang institusyon.