
Nanawagan si Sec. Vince Dizon sa mga kabataan at fresh graduates na makibahagi sa reporma sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at maging bahagi ng laban kontra korapsyon.
Ito ay kasabay ng pagsisimula ng DPWH Campus Job Fair sa Mapúa University sa Intramuros, Maynila na dinaluhan ng mahigit 300 aplikante.
Ayon sa DPWH, bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-recruit ng mga dynamic at idealistic young professionals upang mapunan ang mahigit 2,000 bakanteng posisyon sa ahensya.
Binigyang-diin ni Dizon ang pangangailangang magpasok ng bagong henerasyon ng mga engineers at ibang professionals upang tumulong sa paglutas ng mga suliranin sa DPWH at linisin ang hanay nito.
Ikinatuwa naman ng kalihim ang mataas na interes ng mga bagong graduates kung saan patunay ito na may pag-asa pang maisulong ang pagbabago sa tulong ng kabataan.










