Nanawagan ang Philippine Army sa mga kabataan na huwag umanib sa mga rebeldeng komunista.
Ito ay matapos mapatay sa engkwentro sa Luisiana, Laguna ang isang miyembro ng NPA na hinihinalang estudyante sa isang tanyag na unibersidad.
Sa interview ng RMN Manila kay Captain Patrick Jay Retumban, Second Infantry Division spokesperson, Public Affairs Camp General Mateo Capinpin – patuloy nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng nasawi.
Nakikipagtulungan na sila sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para pagsusulong ng immersion activities para sa mga kabataan.
Sa paunang ulat, sinunog ng mga rebelde ang mga construction equipment sa Infanta, Quezon nang magkasagupa ang mga sundalo at rebelde.
Narekober sa encounter site ang ilang mataas na kalibre ng baril, ilang gamit sa paggawa ng bomba, gadgets at bandila na simbolo ng grupo.
Patuloy pa rin ang pursuit operation ng militar sa posibleng pinagtakasan ng mga rebelde.