MANILA – Hinikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission On Youth ang mga kabataan na gawing mabunga at makabuluhan ang paggunita ng Semana Santa.Ayon kay Father Kunegundo Garganta, Executive Secretary ng komisyon, mahalaga ito upang makatugon ang mga kabataan sa panawagan at selebrasyon ng simbahang katolika sa taon ng awa at habag.Bukod rito – umaasa rin si Father Garganta na maging maunlad ang buhay pananampalataya sa diyos ng mga kabataan ngayong nahaharap ang pilipinas sa maraming problema at mahirap na usapin.Aniya – pamamagitan ng pagpapalago ng mga kabataan sa buhay pananampalataya ay magkakaroon sila ng tunay na kakayahang harapin ang mga isyu at usapin ng ating bansa tulad ng nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2016.Umapela rin si Father Garganta sa mga kabataan na maging aktibo sa kanilang mga parokya, sa pagsasagawa ng mga Visita Iglesia at paglahok sa mga programa ng tulad ng mga Recollections at Retreats.
Mga Kabataan – Pinaaalahanan Na Gawing Makabuluhan Ang Paggunita Ngayong Semana Santa
Facebook Comments