Manila, Philippines – Pinag-iingat ni PBA PL Rep. Jericho Nograles ang mga kabataan na sumasali sa mga dating apps.
Ayon kay Nograles, dapat lubusin ng mga kabataang nawiwili sa dating apps ang pag-iingat dahil posibleng maging dahilan pa ito para mahawaan sila ng HIV-AIDS.
Aniya, popular na popular ngayon sa mga pinoy ang dating apps gaya ng TINDER, SKOUT, OKCUPID at HOWABOUTWE na kung hindi pag-iingatan ay pwedeng maglagay sa peligro sa sinuman.
Nagbibigay daan ang ganitong apps sa casual sex sa mga kabataan at bukas pa sa panganib na mahawaan ng sakit.
Mismong ang United Nations na ang nagsabi nitong agosto na may 10,500 HIV cases sa bansa hanggang sa pagtatapos ng 2017.
Facebook Comments