Mga kabataan pinayuhan ng Palasyo na maging mapanuri sa kanilang mga nababasa online

Muling nanawagan ang Palasyo sa mga kabataan na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita online.

Ayon kay Communication Secretary Martin Andanar, dapat maging bahagi ang kabataan sa pagdi- determina kung ano ang mga pekeng impormasyon na layong i-discredit ang effort ng pamahalaan sa nation building.

Ang paglaganap kasi aniya ng maling impormasyon o balita ay posibleng pagmulan lamang ng di pagkakaunawaan at away.


At sa oras aniya na makaapekto na ito sa mga relasyon ng bawat isa, maaapektuhan rin nito ang pagunlad ng bansa.

Payo ng kalihim sa mga kabataan, hindi dapat agad na nagre-react basta – basta sa mga impormasyon nang hindi muna ito bini- birepika.

Facebook Comments