MGA KABATAAN SA BACNOTAN, LA UNION, SINASANAY MAGING KAISA SA ZERO DROWNING INCIDENT TARGET

Patuloy na pinalalakas ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union ang kamalayan ng mga residente partikular ng mga kabataan sa pagtugon at pag-iingat sa mga insidente sa katubigan.

Sa ilalim ng Nippers Program, sumailalim sa komprehensibong Drowning Prevention Training and Seminar ang 120 mag-aaral mula sa dalawang paaralan sa bayan.

Itinuro sa mga bata ang basic water rescue techniques, paggamit ng mga non-contact water rescue at CPR bilang praktikal na kasanayan sa insidente ng pagkalunod.

Target pang palawigin ang kasanayan sa ibang paaralan upang mas marami pang kabataan ang maging kaisa sa pagpapanatili ng kaligtasan sa mga baybayin, bilang isa sa coastal town sa La Union.

Facebook Comments