Isang simpleng regalo ang nagdulot ng kasiyahan sa ilang mga persons with disability (PWD) at indigent sa Barangay Malabago, Calasiao.
Ang Sangguniang Kabataan (SK) ng barangay ay personal na naghatid ng regalo para sa kanilang “Gift of Love Project” upang maipadama ang diwa ng Pasko sa mga benepisyaryo, sa kabila ng simpleng paraan na kanilang nakayanan.
Bagamat magkakaiba ang kalagayan ng bawat isa, nangibabaw ang malasakit at mga aral mula sa mga kwento ng PWDs at indigent.
Malaking tulong ang pagpapatuloy ng proyektong sinimulan ng dating SK Chairman, na ngayon ay Barangay Kapitan na ng barangay.
Nawa’y ang kabataan, bilang pag-asa ng bayan, ay patuloy na magbahagi ng oras, lakas, at inspirasyon sa iba, lalo na sa mga higit na nangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨