Tulungan nyo ako na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Cotabato City!
Ito ang apela ni Cotabato City Mayor Atty. Cynthia Guiani Sayadi sa mga kabataan particular sa mga istudyante kasabay ng isinagawang Peace Rally sa City Plaza ngayong hapon.
Hinihikayat din ng Alklade ang mga kabataan na maging marespeto sa kapwa anu man ang paniniwala sa relihiyon o maging anung tribu.
Nanawagan rin ito na maging responsable sa pagamit ng social media.
Ang aktibidad ay mag kaugnayan sa pakikiisa at pagsuporta ng City Government sa sa selebrasyon ng Peace Day, Gay Nu Kalilintad sa Declaration of Peace and Cessation of War na may temang Kabataang Kotabateno Kaisa mo sa Kapayapaan at Pagbabago.
Agad naman nagpaabot ng pagsuporta ang mga kabataan sa mga kampanyang isinusulong ni Mayor Cynthia.
Nag-alay rin ng taimtim na panalangin ang mga ito para sa katiwasayan ng syudad.
Dumalo rin sa pagtitipon ang iba pang Elected Officials ng syudad , City Schools Division, Religious Sector at Peace Sector.
Mga kabataan sa Cotabato City suportado si Mayor Cynthia sa isinusulong na Kapayapaan
Facebook Comments