MGA KABATAAN SA ILOCOS REGION, HINIKAYAT NA MAGDONATE NG DUGO

Hinikayat ng Department of Health-Center for Health Development Region 1 ang mga residente ng rehiyon lalo na ang mga kabataan na mag-donate ng suplay ng dugo upang mapataas ang kalidad at suplay nito sa selebrasyon ng World Blood Donor Day.

Ayon kay Mauro Marzan ng DOH-CHD1, maari umanong magdonate ng dugo ang 18-65 taong bilang isa itong social obligation.

Nauna na nagsagawa ng blood donation ang DOH-CHD1 katuwang ang Police Regional Office 1 kung saan aabot sa 123 blood units ang nakolekta ng mga ito.


Samantala, nagsasagawa din ang ahensya ng advocacy orientation sa mga COVID- 19 recovered patient upang makapagdonate ang mga ito ng convalescent plasma.

Facebook Comments