Binuksan sa mga kabataan sa Mapandan ang carnival at inilatag na inflatable playground, nang libre, noong araw ng pasko.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng aktibidad na bigyang aliw ang mga bata at magbigay ng karagdagang pagkakataon para sa kanilang paglalaro kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Ilan sa mga nasubukan na sakyan ng mga bata ang carousel at malaking inflatable playground na kayang paglaruan ng higit sa sampung kabataan nang sabay sabay.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng tanggapan sa kaligayahan at kapakanan ng mga kabataan sa Mapandan.
Facebook Comments










