Hinikayat ng Pag-Ibig Fund ang mga estudyante edad 18 at pataas ang pag-invest para sa kinabukasan sa pamamagitan ng pagrerehistro sa membership ng pamunuan.
Layon nitong matulungan ang mga kabataan pagdating sa security benefits tulad ng savings at mga housing loans.
Sa naganap na Pantongtongan Tayo virtual presser ng PIA Pangasinan, inihayag ni Dagupan Branch Marketing Officer na target nilang matulungan ang mga estudyante hindi lamang para kanilang kinabukasan, maging bahagi na rin ito ng pre-employment requirement.
Mainam umano ang early registration upang kahit pa sa murang edad ay mayroon nang maitatabi ang mga ito pakonti-konti na makatutulong sa pamamahala ng kanilang pinansyal na aspeto.
Samantala, bukas din ang membership maging sa mga out-of-school youths. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨