Mga Kabataan sa San Agustin, Isabela, Hinubog sa Isinagawang Youth Leadership Summit!

*San Agustin, Isabela- *Matagumpay na sinimulan ngayong araw ng 86th Infantry Battalion, 5th ID, PA ang tatlong araw na Youth Leadership Summit katuwang ang LGU at iba pang hanay ng gobyerno sa bayan ng San Agustin, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Lt. Col. Remegio Dulatre, Commanding Officer ng 86th IB, layunin ng kanilang programa na mahubog sa mabuting asal ang mga kabataan at mailayo sa panghihikayat ng mga makakaliwang grupo.

Suporta na rin umano ito ng militar sa mga kabataan upang maturuang maging modelo at kapaki-pakinabang sa lipunan.


Ito ay dahil na rin anya sa nagiging target ng mga rebeldeng NPA na hikayatin ang mga kabataan.

Dadaluhan naman ito ng iba’t-ibang kabataan mula sa 23 barangay ng bayan ng San Agustin kung saan may kanya-kanyang lecture ang bawat ahensya ng gobyerno para sa mga dumalong kabataan.

Facebook Comments