Bilang pagpapaigting sa kamalayan ng kabataan ukol sa kanilang mga karapatan at tungkulin bilang mamimili, nagsagawa ng isang Consumer Awareness Seminar ang Department of Trade and Industry (DTI) – Pangasinan sa Dagupan City National High School ngayong ipinagdiriwang ang Consumer Welfare Month.
Lumahok ang 52 estudyante na aktibong nakibahagi sa mga talakayan upang mahubog sila maging responsableng konsyumer sa makabagong panahon.
Tinalakay sa seminar ang karapatan at pananagutan ng bawat mamimili, pati rin ang mahahalagang probisyon o batas.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito mas mauunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng bawat desisyon at pagbili bilang konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









