Tututukan ngayon ang mga kabataang Dagupeño kaugnay sa ilang mga isyung kinahaharap o mga suliraning talamak na kahaharapin ng mga ito, ayon mismo ito sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan sa naganap na regular session nitong araw ng Martes, Sept. 19.
Ilan lamang sa nabanggit partikular ni Coun. Mejia ang ukol sa Sexual Harassment o Abuse, Teenage Pregnancy at ilan pang mga isyu na madalas kaharapin ng mga kabataan ngayon sa pamamagitan ng mga ibabang pagsasanay at talakayin kaugnay dito.
Minungkahi pa ng konsehal ang inaasahang koordinasyon ng mga Barangay Councils lalong lalo na sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.
Nagpahayag namn ng suporta ang SK Federation President na si Coun. Bugayong kaugnay dito at sinang-ayunan ang ilang mga ihahandang programa kaugnay dito.
Layon nitong makabuo ng kamalayan at kaalaman ang mga kabataan ng Dagupan upang masolusyunan nang maayos at hindi magdulot ng anumang karagdgang problema sa kanila. |ifmnews
Facebook Comments