MGA KABATAANG DAGUPEÑO, INAASAHAN UMANO ANG USAD NG SCHOLARSHIP PROGRAM SA PAGKAKAPASA NA NG 2023 ANNUAL BUDGET NG LUNGSOD

Umaasa ang ilan sa mga kabataang Dagupeno na nag-aaral sa kolehiyo sa mas magaan na pag-usad ng Scholarship Program ngayong pasado na rin ang annual budget ng lungsod noong nakaraang linggo lamang.
Matatandaan na mariing iminumungkahi ni Mayor Fernandez ang 200M na pondo laan para sa scholarship ng target na bilang na nasa 2, 500 na scholars.
Sa kabila ng naging isyu sa nabinbing budget, natagalan ang pagproseso ng mga nakatakdang tumanggap ng scholarship grants bagamat nagpatuloy ang pag-usad nito. Nasa 20, 500 per sem naman ang natanggap ng mga ito pantustos sa kanilang school fees.

Sa ngayon, umaasa umano ang mga ito ayon sa ilang mga nakapanayam na estudyante ng IFM Dagupan na mapabilang sa mga magiging scholars ng lungsod lalo na at mataas na rin ang tuition fees at mga bayarin sa mga papasukang unibersidad.
Dagdag pa nila na agaran din silang magsusumite ng mga kinakailangang papeles kung tuluyan ng mabuksan ang programa upang maging kwalipikadong grantee ng Scholarship. |ifmnews
Facebook Comments