Mga kabataang hindi pa fully vaccinated kontra COVID-19, dapat papasukin pa rin sa Malls

Iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion na dapat payagan pa rin ang mga kabataang hindi pa fully vaccinated kontra COVID-19 na makapasok sa mga mall.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Concepcion na kung hihintayin pa kasing makumpleto ang doses ng COVID-19 vaccine sa mga bata ay posibleng sa susunod na taon pa sila maturukan.

Ipinaliwanag ni Concepcion na kasisimula pa lang naman ng vaccine rollout sa mga kabataan at malaking bagay din para sa mga pamilya ang makalabas nang sama-sama at makapunta sa malls ngayong holiday season.


Una nang hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Local Government Units na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa mga nasa edad 12 pababa sa mga pampublikong lugar.

Facebook Comments