Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Teen Center, tinalakay ang kahalagahan ng pagkilala sa karapatan ng bata at ang mga konkretong paraan upang maprotektahan ang sarili laban sa anumang uri ng pang-aabuso. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan at kakayahan ng kabataan bilang mga tagapagsulong ng child protection.
Isinagawa rin ang mga collaborative activities tulad ng visioning at brainstorming para sa mga school-based campaign laban sa child abuse at exploitation.
Kaugnay nito, patuloy din ang programang Oplan B.I.D.A., bilang pinalakas na mensahe ng “good touch” at “bad touch,” habang hinikayat ang mga kabataan na manguna sa paglikha ng ligtas na espasyo para sa bawat bata sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










