Panahon na para gawing “sexy” o kaakit-akit ang sektor ng agrikultura para sa mga kabataan.
Ito ang pahayag ni Department of Agrarian (DA) Reform Secretary Conrado Estrella III sa ambush interview sa Malacañang.
Ayon kay Estrella, alinsunod sa Executive Order No. 75, mamimigay ang pamahalaan ng tig-tatatlong ektaryang lupain sa mga Pilipinong magtatapos ng apat na taong kursong pang-agrikultura.
Kabilang din sa bibigyan ay ang mga retiradong pulis at militar at ang mga dating rebelde.
Sabi ng kalihim, isa ito sa mga hakbang para hikayatan ang mga kabataang Pilipino na pasukin ang pagsasaka dahil karamihan sa mga magsasaka sa bansa ay may edad na.
Para maging kwalipikado sa programa, kailangan lamang magpalista ng mga aplikante sa regional offices ng Department of Agrarian Reform (DAR).