Aabot lamang sa 25 na kabataang edad 12 hanggang 17 na may comorbidity ang nagkaroon ng adverse events matapos makatanggap ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, mula ito sa higit 23,000 kabataang nabakunahan na.
Aniya, tatlo lamang din sa mga ito ang nakaranas ng severe allegies kung sa nangailangan ang mga ito ng epinephrine o di kaya ay oxygenation.
Habang ang karamihan naman ay nakaranas lamang ng mild allergies, rashes, pagsakit sa injection site na karaniwan ding nakikita sa mga batang may tigdas at rubella.
Samantala, target ng gobyerno na mabakunahan ang 80% ng target na 12 milyong kabataan hanggang sa katapusan ng taon.
Facebook Comments