Matapang na nagpahayag ng opinyon at boses ang mga kabataan sa isinagawang prayer rally at candle lighting ceremony sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City, kagabi.
Isa na rito si Allison kung saan hawak-hawak ang karatula na nagpapahayag ng damdamin upang malabanan ang korapsyon.
Tulad ni Allison, nagpahayag rin ng pagkadismaya si Ralph, isang student journalist sa nangyayari umanong korapsyon sa bansa.
Taimtim ang pagdarasal at pagtirik ng kandila sa palibot ng naturang simbahan sa pangunguna ni Archbishop Socrates Villegas kasabay ang lahat ng dumalo na tinawag na “Light of Hope” sa panalanging bumuti ang sistema para sa ikaaangat ng Pilipinas.
Inihayag naman ng arsobispo na ang pakikibakang ito ay may tanging layunin, yun ay ang paglaban at mapuksa ang korapsyon sa mapayapang pamamaraan.
Kahapon, September 21, idineklara ang National Protest Day sa bansa kasabay ng anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa bilang paninindigan sa pahirap na dulot ng korapsyon sa mga Pilipino.
Nag-ugat ang pag-aaklas sa bansa sa patuloy na pagsisiwalat ng mga bilyong pondo at personalidad na nadadawit sa patuloy na pagdinig sa mga maanomalyang flood control sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








