Inililikas na ng mga residenteng naninirahan sa paanan ng bulkang Taal ang kanilang mga alagang hayop partikular na ang kabayo sa pamamagitan ng pagsasakay sa mga ito sa bangka.
Ito ay sa kabila ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “no man’s island” ang Taal.
Ayon sa mga residente, ililipat sa balete town sa batangas ang kanilang mga alagang kabayo na nabalot ng abo mula sa bulkan.
Paliwanag naman ng isang animal welfare group, tatlumpung kabayo pa lang sa kabuuang tatlong libong kabayo ang na-rescue.
Maliban sa kabayo, inilikas din ng mga residente ang iba pa nilang alagang hayop tulad ng baka, kambing.
Facebook Comments