MGA KABILANG SA VULNERABLE SECTOR SA UMINGAN, NAKINABANG SA P20 NA BIGAS

Napakinabangan ng daang mga residente sa bayan ng Umingan partikular ang mga kabilang sa vulnerable sektor o mga senior citizen, Persons with Disabilities, 4Ps at Solo Parents ang P20 na bigas sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo.

Nasa hanggang sampung kilo ng bente pesos na bigas ang nabili ng mga residente, habang ipinaalala rin ng lokal na pamahalaan ng bayan na hindi na pwedeng umulit kung nakabili na.

Dagdag pa rito ang iba’t-ibang mga bilihin na nabili sa abot-kayang halaga bagamat sariwa o kalidad na mga produkto tulad ng gulay, prutas at iba pa.

Samantala, matatandaan na sa paglunsad ng P20 na bigas ay nauna nang naging benepisyaryo ang mga minimum wage earners, sa mga magsasaka at iba pa.

Inaasahan din ng iba pang ordinaryong Pilipino na mapalawig ito at maipagbili rin sa lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments