Mga kabilang sa vulnerable sectors sa Umingan, Pangasinan, nakinabang sa P20/kilo na bigas

Napakinabangan ng 100 mga residente sa bayan ng Umingan, partikular ang mga kabilang sa vulnerable sektor o mga senior citizen, persons with disabilities, 4Ps, at solo parents, ang P20 na bigas sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo.

Nasa hanggang 10 kilo ng P20 na bigas ang nabili ng mga residente, habang ipinaalala rin ng lokal na pamahalaan ng bayan na hindi na pwedeng umulit kung nakabili na.

Dagdag pa rito ang iba’t-ibang mga bilihin, tulad ng mga sariwa at kalidad na gulay, prutas, at iba pa, na nabili sa abot-kayang halaga.

Samantala, matatandaan na sa paglunsad ng P20 na bigas ay nauna nang naging benepisyaryo ang mga minimum wage earners, mga magsasaka, at iba pa.

Inaaasahan din ng iba pang ordinaryong Pilipino na mapalawig ito at maipagbili rin sa lahat.

Facebook Comments