Mga Kadamay na hindi qualified sa pabahay, agad na palalayasin

Manila, Philippines – Tiniyak ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez na mapupwersa silang palayasin ang KADAMAY member na hindi kwalipikado sa hinihingi ng National Housing Authority o NHA.

Ayon kay Benitez, hindi lahat ng miyembro ng Kadamay na umokupa sa housing units sa Pandi, Bulacan ay makakapanatili roon maliban na lamang kung qualified ang mga ito.

Ilan sa criteria para maging qualified beneficiaries ay kung wala itong kamag-anak sa ibang bansa, hindi pa nabibigyan ng housing project ng gobyerno, wala talagang trabaho, walang kakayahang makabayad at iba pa.


Pero ayon kay Benitez kailangang siguruhin ng gobyerno na maayos ang magiging sistema sa eviction ng mga hindi kwalipikadong benepisyaryo na kasama sa umokupa sa housing units sa Pandi.
DZXL558

Facebook Comments