Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan ng gobyerno na gawing permanente ang Kadiwa centers sa bansa.
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Marcos na naging epektibo ang Kadiwa stores bilang kaagapay ng taumbayan sa panahon na mataas ang presyo ng pagkain.
Inihayag din ng pangulo na ipapamahagi sa ating mga kababayan ang mga bigas na nasabat sa mga smuggler.
Kasabay nito, nagbanta ang pangulo na seryoso ang gobyerno sa pagsugpo ng smuggling sa bansa.
Facebook Comments