Pinaplano na rin ng National Housing Authority o NHA na magbukas ng mga Kadiwa Store sa mga resettlement site ng pamahalaan.
Ayon kay NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano, bahagi ito ng hangarin ni General Manager Joeben Tai para makatulong din na magkaroon ng murang pagkain sa mga pabahay.
Kaugnay nito, nakipagpulong na si NHA Asst General Manager Alvin Feliciano kay Department of Agriculture o DA Asec. Kristine Evangelista para sa isasagawang Kadiwa sa mga site kasama ang mga magsasaka.
Paliwanag ni Feliciano, dahil sa farm-to-market ang istilo ng Kadiwa ay makasisigurong mura at sariwa ang mga produktong ibebenta gaya ng bigas, gulay, karne, isda, itlog at iba pa.
Target ng NHA na simulan ang pilot testing ng inisyatibo sa sa susunod na buwan bago ilunsad sa ibang bahagi pa ng bansa.
Bukod dito, balak din simulan ng NHA at DA ang techno demo seminars, urban gardening, value adding training, seedling distribution at mga ibang programang makakatulong sa kanilang kabuhayan.