Mga kagamitan mula sa Japan Disaster Response team, dinala na ng PCG sa Oriental Mindoro kaugnay ng oil spill doon

Dinala na ng BRP Corregidor (AE-891) ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 5.1 toneladang kagamitan mula sa Japan Disaster Response (JDR) team para gamitin sa oil spill response sa Oriental Mindoro.

Ang nasabing kagamitan ay binubuo ng oil spill response workwear, mask, oil-proof working gloves, oil-proof rubber boots, oil blotter at oil snare.

Nagsagawa rin ng ocular inspection sa paligid ng karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro Japan Disaster Response team.


Sa ngayon kasi ay nagpapatuloy ang pagkalat ng langis sa karagatan.

Ang oil spill ay mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Facebook Comments