Mga kagamitan ng PNP na gagamitin sa pagbibigay ng seguridad sa eleksyon 2022, kasado na

Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay ng seguridad sa darating na eleksyon.

Sa katunayan ibinida ng PNP ang kanilang mga kagamitan na gagamitin sa halalan.

Sa dispatch ceremony sa Camp Crame ngayong umaga, binasbasan ang kanilang logistics equipment.


Kasama rito ang mga radio na gagamitin sa komunikasyon.

Mga baril, shield, bullet proof vest at hazmat suit para sa pagbabantay ng seguridad at pagtugon sa anumang insidente.

Maging mga transportation equipment na motorsiklo at police patrol.

Sinabi naman ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos na importante na magkaroon ng lahat ng suporta sa mga pulis na magdu-duty sa eleksyon.

Ito’y para matiyak na magiging maayos ang eleksyon.

Kasunod nito, paalala ni Carlos sa mga pulis na maging tapat sa pagtupad sa kanilang tungkulin para maging matagumpay ang eleksyon.

Facebook Comments