
Inihanda na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang mga kagamitan para ma-detect ang mga ‘pekeng video’ na nagkalat online.
Ayon kay CICC Deputy Executive Director Atty. Renato ”Aboy” Paraiso, makasisiguro umano ang publiko na kanilang hindi isinasantabi ang mga masamang dulot ng mga ito lalo na ang mga deep fake videos o Artificial Intelligence (AI) online generated content.
Aniya, kanila itong binabantayan sa tulong na rin ng inilunsad na Threat Monitoring Center na siyang nagamit noong eleksyon.
May kaakibat din umano itong parusa sakaling matukoy at madiskubre ng CICC ang mga sangkot sa likod ng aktibidad.
Matatandaang may panibagong ‘deep fake’ video ang kumalat sa social media platform gamit ang mukha Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na agad din nilang pinatanggal.
Pinapayuhan ang publiko na maging mapanuri at napapanood sa mga content sa online.









