Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakahanda sila para sa search and rescue operation upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa panahon ng bagyo at anumang kalamidad.
Ayon kay NCRPO Chief PMaj. General Jose Melencio Nartatez Jr., nagsagawa na sila ng simultaneous showdown inspection for disaster response equipment capabilities.
Aniya, ang pagiging handa ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng tamang kagamitan kundi pati na rin sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad.
Sa isinagawang inspeksyon, lahat ng kagamitan, kabilang ang mga life vest, rubber boat, mga kagamitan sa komunikasyon sasakyan, drone at ambulansya, ay sumailalim sa masusing pagsusuri upang matiyak na ang mga ito ay nasa maayos na kondisyon para magamit sa mga emergency.
Nananatili namang nakatuon ang NCRPO hindi lamang sa pwersa na aasahan sa kanilang hanay ngunit maging sa pangangalaga naman sa publiko laban sa anumang sakuna.