Nag-alok ng tulong ang mga kaibigang bansa ng Pilipinas para protektahan ang soberenya at karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng pag-atake ng China sa barko ng tropa ng pamahalaan na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Pangulong Marcos, patuloy ang kaniyang komunikasyon sa mga kaalyadong bansa sa International community, kung saan nag-alok ng proteksiyon ang mga ito.
Nagbigay na aniya siya ng requirements sa mga nag-alok ng tulong at tiniyak naman ng mga ito na tutugon sila sa kailangang tulong ng Pilipinas.
Nilinaw naman ng pangulo na ayaw ng Pilipinas ng gulo lalo na sa mga bansang nagsasabing sila ay kaibigan.
Iginiit din nito na hindi mananahimik at susuko ang bansa sa gitna ng mga agresibong pag-atake ng China sa WPS.