Nasa below level pa rin ang mga kailugan sa lalawigan ng Pangasinan kahit na madalas nang nararanasan ang pag-uulan.
Ayon sa datos at monitoring ng Agno River Basin Flood Forecasting Warning Center nitong mga nakalipas na araw ay nasa 120 Ml ang lebel ng tubig sa mga kailugan kung saan medyo malayo pa sa normal rainfall amount na nasa 200 Ml.
Nasa below alert level status ang mga kailugan sa lalawigan gaya na lamang ng mga ilog sa San Vicente, Mapandan, Sta. Barbara, Sta. Maria, Bugallon, at Tibag.
Dito naman sa Lungsod ng Dagupan, ay malayo pa rin sa Alert Level ang mga kailugan bagama’t nakakaranas ang lungsod ng paghabang dulot ng high-tide na sinasabayan ng pag-uulan.
Samantala, base naman sa monitoring ng Pangasinan PDRRMO, nasa normal naman na lebel ang San Roque Dam kung saan nasa 234.72 masl ngayong araw ng Miyerkules, ika-14 ng Hunyo at malayo pa sa normal level na 280 masl.
Ayon naman kay Gener Quitlong ng Agno River Basin Flood FWC, nasa peak na ng Habagat ang bansa kaya’t asahan ang mga sunod-sunod na mga pag-uulan.
Ayon naman sa PAGASA, na asahan sa loob ng tatlong araw ang mararanasang pag-uulan dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.
Matatandaan na nitong Martes,labindalawang mga bayan at lungsod sa Pangasinan ay nag-suspinde ng klase dahil sa malakas na ulan. |ifmnews
Facebook Comments