Nadiskubre ng Task Force Disiplina at ng pamunuan ng Malimgas Public Market ang ukol sa mga kainan sa naturang market na nagtatapon ng kanilang pinaggamitang mantika sa mga kanal mismo sa loob ng palengke.
Ang pagtatapon ng mga nagamit nang mantika mula sa mga kainan ay siyang isa sa nagiging dahilan umano kung bakit madalas umapaw ang drainage canal sa loob ng palengke.
Ang sino mang mahuhuling nagtatapon pa rin ng mga pinaggamitang mantika sa mga kanal sa palengke ay haharap sa kaukulang parusa kung saan magbabayad ng itinalagang multa.
Nasa limang daan hanggang isang libong piso ang multa sa sinumang susuway o mahuhuling lalabag sa Sanitation code at kung patuloy pa rin sa kanilang nakagawiang pagtatapon ng nagamit ng mantika sa mga kanal ng palengke ay irerekomenda na silang tanggalan ng permit. |ifmnews
Facebook Comments