Handa na ang ilang kalahok sa gaganaping Gilon-Gilon ed baley 2025 street dancing parade ngayong araw.
Ayon sa ilang mananayaw na nakapanayam ng IFM News Dagupan, gabi-gabi umano silang nag ensayo upang ipresenta nang maayos ang kanilang inihandang sayaw sa mga Dagupeño at bisita ngayong araw.
Anila, manaig sana ang pagiging sports sa kanilang mga katunggali.
Ang Gilon-Gilon ed baley ay isang street dancing parade kung saan pinaghahandaan ng bawat cluster o grupo ng mga barangay sa lungsod, ang iba’t-ibang sayaw at makukulay na costume, bilang pagdiriwang sa taunang Bangus Festival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments





